Magbigay Ng Matatalinhaga At Magagandang Halimbawa Ng Salawikain..
Magbigay ng matatalinhaga at magagandang halimbawa ng salawikain..
Answer/Explanation:
Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.
Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
Comments
Post a Comment